Lady Troopers, Perlas Spikers asam ang semis
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - June 26, 2019 - 12:00am

Laro Ngayon (The Arena)

3 p.m.  Pacific Town-Army vs Creamline

5 p.m. BaliPure vs BanKo Perlas

MANILA, Philippines — Target ng Pacific Town-Army at BanKo Perlas na makuha nag krusyal na panalo laban sa kani-kanilang karibal sa pagpapatuloy ng 2019 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference sa The Arena sa San Juan City.

Makakasagupa ng Lady Troopers ang nagdedepensang Creamline sa alas-3 ng hapon na susundan ng duwelo ng Perlas Spikers ang BaliPure sa alas-5.

Ilalabas na ng Pacific Town-Army ang lahat ng armas nito upang awtomatikong makuha ang ikatlong tiket sa semis.

Ipaparada ng Lady Troopers sina imports Olena Lymareva-Flink at Je­nelle Jordan ngunit kailangan ng dalawa ng matinding tulong mula sa local players na sina vete­rans Jovelyn Gonzaga, MJ Balse-Pabalo, Nene Bautista, Sarah Jane Gonzales at Honey Royse Tubino.

Nais naman ng Creamline na maulit ang kanilang 25-21, 25-16, 25-18 demolisyon sa Pacific Town-Army sa first round.

Hindi basta basta isusuko ng Cool Smashers ang laban dahil naghahabol din itong makuha ang top seeding upang maging maganda ang puwesto nito sa crossover semis.

Kaya naman aariba ng husto sina Thai import Kuttika Kaewpin at Venezuelan Aleoscar Blanco kasama sina three-time UAAP MVP Alyssa Valdez, Risa Sato, Michele Gumabao at playmaker Jia Morado.

Parehong naghahabol ang Lady Troopers at Perlas Spikers sa huling da­lawang tiket sa semis.

2019 PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE (PVL) REINFORCED CONFERENCE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with