Bakulaw si import Terrence Jones nang bumira ito ng 49 puntos, 18 boards at apat na assists sa pagkopo ng KaTropa ng ikaanim na panalo sa pitong laro.
Jun Mendoza
TNT KaTropa ‘di bumitaw sa liderato
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - June 16, 2019 - 12:00am

Laro Ngayon (Smart Araneta)

4:30pm Magnolia vs Columbian Dyip

6:30pmSMB vs Ginebra

MANILA, Philippines — Naikonekta ng Talk ‘N Text ang agresibong 104-91 panalo laban sa Meralco para mapatatag ang kapit sa liderato ng 2019 Philippine Basketball Association Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Bakulaw si import Terrence Jones nang bumira ito ng 49 puntos, 18 boards at apat na assists sa pagkopo ng KaTropa ng ikaanim na panalo sa pitong laro.

“I think we’re just buil­ding chemistry in the team, we’re believing in each other and the way we’re running offense and defense of the team is just very very nice. Just the beliefs of my teammates makes me wanna be aggressive and makes we wanna score and perform for my team,” ani Jones.

Tumulong naman si Ryan Reyes na nakahugot ng 19 markers, limang rebounds at dalawang assists habang nag-ambag si Don Trollano ng 16 points at siyam na rebounds at Troy Rosario na tumipa naman ng 11 puntos at apat na boards.

Gumulong ang Bolts sa 3-4 baraha.

Nasayang ang career-high 32 points ni Chris Newsome  para sa Meralco.

Samantala, hangad naman ng San Miguel Beer na makuha ang ikalawang sunod na panalo nito sa pagharap sa defending champion Barangay Ginebra San Miguel sa alas 6:45 ng gabi habang magtutuos ang Magnolia at Columbian Dyip sa alas-4:30 ng hapon.

Wala sina Terrence Romeo at Arwind Santos na parehong may injury gayundin sina suspended players Kelly Nabong at Ronald Tubid ngunit hindi ito ininda ng Beermen sa pagkubra ng 127-106 panalo laban sa Blackwater noong Biyernes para makuha ang unang panalo sa tatlong laro.

“That win was big for us because at 0-3 (win-loss record)  it’s hard to rise when the leaders are hol­ding a  5-1 or 4-2 record. This win will give us momentum going to our next game (against Barangay Ginebra San Miguel),” ani Beermen mentor Leo Austria.

 Bago ang import ng Columbian Dyip (1-3) na ipaparada si Lester Prospect kapalit ni Kyle Barone.

2019 PBA COMMISSIONER’S CUP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with