Ito ay dahil plano ng star forward na tanggihan ang isang $21.3 million player option para sa 2019-20 season upang makapasok siya sa free agency at posibleng makalipat ng ibang koponan sa susunod na season.
Leonard iiwanan ang Raptors?
(Pilipino Star Ngayon) - June 16, 2019 - 12:00am

TORONTO, Philippines — Hindi pa dapat magdiwang ang Raptors kung patuloy na isusuot ni Kawhi Leonard ang kanilang uniporme sa susunod na season.

Ito ay dahil plano ng star forward na tanggihan ang isang $21.3 million player option para sa 2019-20 season upang makapasok siya sa free agency at posibleng makalipat ng ibang koponan sa susunod na season.

“I'm not thinking about it right now,” sabi ni Leonard matapos tulungan ang Toronto sa pag-angkin sa NBA championship laban sa Golden State Warriors. “No, I'm a Raptor for right now. And you know, we'll see what happens.”

Isa nang two-time Finals MVP, maaaring pumili si Leonard kung babalik siya sa kanyang home state na California para sumama sa alinman sa Los Angeles Lakers o Clippers na sinasabing naghahabol sa kanya.

Ayon kay Leonard, sa mga susunod na araw ay pag-aaralan niya ang naging pagtulong niya sa Toronto pati na ang naging tagumpay niya habang naglalaro sa San Antonio.

“When I was there on my opening day meeting -- I was focused on the now, and I wanted to make history here and that's all did I,” wika ni Leonard.

Marami ang nagsasabing iiwanan ni Leonard ang Toronto.

Nauna nang inakusahan si Leonard na pineke ang kanyang injury para hindi makalaro sa Spurs.

“I have to trust myself. And whatever, it doesn't matter what anybody has to say about me,” ani Leo­nard.

“I know who I am as a person, I know how I feel, and always just trust yourself. And that was my goal and my focus. And that's why (it is) one of the things that I take on the floor. I don't care about what the media has to say about me or if they want me to score or whatever, 30 points, because I did the game before, I'm going to come out and play the right way, I'm not trying to make headlines,” dagdag pa ni Leonard.

KAWHI LEONARD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with