I’m Sorry

Kung hindi sinasadya eh ‘di hindi sinasadya.

Pero hindi nangangahulugan na walang sintensya si James Sena ng Blackwater sa nangyari sa game nila kontra Ginebra.

Kumana kasi ng three-point shot si Jeff Chan sa side. Humabol si Sena. Pero umabot ang paa niya sa landing zone ni Jeff.

Natural, matinding tapilok ang inabot ni Jeff. Sa paa ni Sena nag-land ang kanang paa ni Jeff.

Namilipit sa sakit ang sharpshooter. Sa replay, pwedeng isipin na intentional.

Mukhang nag-agree ang crowd sa paulit-ulit na slow-mo replay.

Flagrant foul 1 ang tawag ng referee at thrown out si Sena. May fine din na P20,000. Di pa alam kung may suspension.

Pinatawag ni commissioner Willie Marcial si Sena sa PBA office para mag-eksplika.

Nag-sorry na raw siya kay Jeff sa text message.

“Hindi ako dirty pla­yer,” ang depensa ni Sena, na dati na rin natawagan ng parehong foul kay Asi Taulava.

Hindi rin daw niya sinasadya.

Show comments