KBA Stars binugbog ang RTU
Francisco Cagape (Pilipino Star Ngayon) - May 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi pina-iskor ng Katayama Baseball Aca­de­my (KBA) Stars ang Rizal Technological Uni­versity (RTU),16-0 para sa buwenamanong panalo sa pagbubukas ng Philippine Baseball League (PBL) nitong weekend sa Rizal Memorial Baseball Stadium sa Maynila.

Humataw ang mga pitchers ng Katayama na sina dating La Salle star Carlos Muñoz, Francis Geismundo at Lesmar Ventura para makamit agad ang no hitter abbreviated one-sided victory laban sa RTU.

Umani pa ng two-run-homerun si Muñoz sa tuktok ng unang inning na naging hudyat ng masaker sa  Malate diamond.

“We had a very good start in the PBL and I'm very happy to have this team with young potential talent”, sabi ni KBA team owner/coach Katayama na kaagapay sa bullpen sina coach Joseph Orillana at Jonnard Pareja.

Binubuo ang KBA Stars ni baseball patron  Katayama-Japanese national na nakabase sa Pilipinas ng mga collegiate at commercial players at mga dating miyembro ng national team.

Ang bagong tatag na koponang sumabak sa bagong ligang PBL na inorganisa nina Philippine Amateur Baseball Association(PABA) president Chito Loyzaga at secretary-general Pepe Muñoz.

KATAYAMA BASEBALL ACA­DE­MY PHILIPPINE BASEBALL LEAGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with