Gerald Anderson ‘ayaw nang maglaro sa Marikina
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - May 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mawawalan ng bituin ang Marikina Shoemasters.

Nagdesisyon si actor Gerald Anderson na huwag munang maglaro para sa Shoemasters sa darating na season ng Maharlika Pilipinas Basketball League.

Ayon kay Marikina head coach Elvis Tolentino, mismong ang 5-foot-11 na si Anderson ang nagsabing hindi niya kayang pagsabayin ang pag-aartista at paglalaro.

Nagtala si Anderson ng 1.68 steals per game para sa Shoemasters sa nakaraang MPBL season.

Muling aasahan ng Marikina para sa pagbubukas ng MPBL season sa Hunyo 12 sina Yves Sazon, Renato Ular, at ex-pro Jondan Salvador. Magsusuot din ng uniporme ng Shoemasters sina NAASCU MVP Christian Caldozo, Joshua Gonzales, Paeng Rebugio, JJ Española, Isan dela Peña at Von Tambeling. 

Samantala, magkakaroon  ng malaking pagbabago kasabay ng pagpasok ng mga bagong koponan sa regional amateur basketball league.

Simula sa Hunyo 12 ay maaari nang humugot ang mga tropa ng dalawang Fil-foreign players para sa kanilang 20-man roster (15 to play).

Ngunit ang nasabing mga Fil-foreign players ay hindi dapat lalampas sa 6-foot-4 height limit.

Inaprubahan ni Senator Manny Pacquiao, ang MPBL founder at chief executive officer, ang pagpasok ng mga Fil-foreign players mula sa kahilingan ng mga member squads.

GERALD ANDERSON
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with