Must Win

 One down. One to go.

 Dinurog ng Gilas ang Qatar nung isang gabi. Sunod na makakaharap ang Kazakhstan.

 At kung mananalo, may pag-asang muling makapasok sa World Cup.

 Sa Kazakhstan ang laban mamayang hating-gabi. Malamig ang panahon. Halos nagyeyelo sa labas.

 Kaya kung walang heater ang gym, baka manginig ang mga Gilas players.

Tinalo tayo ng Kazakhstan nung November dito sa Pinas. Kaya ngayong nasa homecourt sila, mas kampante sila.

 Kumplikado ang sitwasyon para sa Gilas.

At kahit pala talunin natin ang Kazakhstan ay hindi pa sigurado ang entry sa World Cup na idaraos sa Nov. 31 hanggang Sept. 15 sa China.

Tinalo kasi ng Jordan ang China. At tinalo ng Japan ang Iran.

 Gumulo.

Pero ‘wag na natin paguluhin pa lalo.

 Basta ang importante ay  talunin muna natin ang Kazakhstan. Dahil kung hindi ay lalung wala na tayong pag-asa.

Mag-focus muna tayo sa Kazakhstan. ‘Wag na muna natin isipin ang Jordan, Lebanon, Japan at iba pa.

 Beat Kazakhstan.

 Period.

Show comments