Warriors paborito pa ring makopo ang ika-4 na titulo
(Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2019 - 12:00am

MIAMI— Paborito pa rin ang Golden State Warriors na makamit ang kanilang ikaapat na NBA championship sa huling limang taon.

Maaari namang ipagpaliban ng Milwaukee, Toronto, Indiana, Boston, Philadelphia, Oklahoma City at Denver ang kanilang planong bakasyon sa Abril kung gusto nilang lumaban para sa korona.

Ito ang nasa isip nina LeBron James ng Los A­ngeles Lakers at Dwyane Wade ng Heat.

Naglaro si James sa NBA Finals sa huling wa­long seasons, tig-apat para sa Miami at Cleveland.

Ang Lakers ni James ay nasa 10th place sa Wes­tern Conference, tatlong laro ang agwat sa Clippers para sa final playoff berth.

Kasama naman ang Heat sa six-team, three-spot race sa Eastern Con­­ference at umaasa si Wade na makakapaglaro sa pinakahuli niyang postseason trip.

Tatapusin ni Wade ang kanyang ika-16 at final season ngayong taon.

“It looks as though there’s something happening here,” wika ni Heat president Pat Riley.

Wala namang balak bumitaw ang Orlando sa kanilang tsansang makapasok sa playoffs. 

GOLDEN STATE WARRIORS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with