Fernandez kumpiyansa sa Pinoy jins sa Manila SEA Games
Fernandez kumpiyansa sa Pinoy jins sa Manila SEA Games
(Pilipino Star Ngayon) - February 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inaasahang magbibi­gay ng gintong medalya ang Philippine taekwondo team sa darating na 30th Southeast Asian Games na nakatakda sa Nob­yembre 30 hanggang Disyembre 11.

Kabilang sa mga sa­sandigan ng national squad ay sina jins Pauline Lopez at Samuel Morrison at ang poomsae team nina JR Reyes, Dustin Jacob at Raphael Enrico Mella.

Kumpiyansa si Barcelona Olympics bronze me­dalist Stephen Fernandez na malalampasan ng mga national jins ang kanilang kampanya noong 2017 SEA Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

“Our taekwondo team will definitely surpass our achievements in the last SEA Games in Kuala Lumpur two years ago,” ani Fernandez sa kanyang pagbisita sa 11th Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) “Usapang Sports” kahapon sa Natio­nal Press Club sa Intramuros.

Idinagdag pa ni Fernandez, sumabak sa Olympic Games noong 1988 sa Seoul, Korea at noong 1992 sa Barcelona, Spain kung saan siya nag-uwi ng bronze medal, na hindi papahiyain ng mga jins ang bansa sa 2019 SEAG.

Matatandaang sumipa ang Pinoy jins ng dalawang ginto, tatlong pilak at apat na tanso sa nakaraang SEA Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Inuwi nina Morison ang ginto sa men’s kyorugi lightweight division habang ang koponan naman ni  Reyes kasama ang Mella brothers ang siyang nagsubi ng ginto sa men’s poomsae event.

Samantala, kinatigan ni Fernandez ang pagbibigay ng Philippine Sports Commission ng suporta sa Phi­lippine National Anti-Doping Organization (PHINADO) para sa mga anti-doping measures na gagamitin sa 2019 SEA Games.

Noong 2005 Manila SEA Games ay isang taek­wondo jin ang binawian ng medalya matapos maging positibo sa paggamit ng banned substance.

30TH SOUTHEAST ASIAN GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with