Maganda ang pagbabalik ni Puerto Rican import PJ Ramos nang magtala ito ng impresibong triple-double na 15, puntos, 14 rebounds at 11 assists para pamunuan ang Beermen sa ika-14 panalo.
Nuki Sabio/PBA Images
Ramos ibinalik sa porma ang SMB Alab
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - February 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Rumesbak ang San Miguel Alab Pilipinas nang iselyo nito ang matikas na 105-79 demolisyon laban sa Zhuhai Wolf Warriors sa Asean Basketball League Season 9 na dumayo sa Doumen Gymnasium sa Zhuhai, China.

Maganda ang pagbabalik ni Puerto Rican import PJ Ramos nang magtala ito ng impresibong triple-double na 15, puntos, 14 rebounds at 11 assists para pamunuan ang Beermen sa ika-14 panalo.

Hindi nakapaglaro si Ramos sa 83-88 kabiguan ng Alab Pilipinas sa Hong Kong Eastern noong Biyernes matapos ma-food poison.

Mainit din ang palad ni Renaldo Balkman na umiskor ng 19 puntos, limang boards, limang assists at dalawang steals samantalang naglista si two-time MVP Bobby Ray Parks Jr. ng karagdagang 15 markers para sa Beermen.

Nag-ambag naman sina Caelan Tiongson ng 10 puntos at  Brandon Rosser ng 10 puntos at walong rebounds.

Naitala ng Beermen ang pinakamalaking kalama­ngan na 31 puntos sa huling apat na minuto, 103-72.

Matatag ang kapit ng Alab Pilipinas sa solong pamumuno hawak ang 14-3 marka.

Nahulog naman sa 2-15 baraha ang Warriors.

SAN MIGUEL ALAB PILIPINAS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with