Bagitong tankers eeksena sa 153rd PSL Nat’l Series

MANILA, Philippines — Magbabakbakan ang pinakamahuhusay na bagitong tankers mula sa iba’t ibang panig ng bansa sa gaganaping 153rd Philippine Swimming League (PSL) National Series – Diliman Preparatory School (DPS) Class C and Motivational Swim Meet ngayong araw sa DPS swimming pool sa Quezon City.

Asahan ang pukpukang labanan dahil nakataya ang slots para sa ilang international tournaments sa China, Brazil, Italy, South Africa, United Arab Emi­rates, Qatar, Singapore, Japan, Thailand at Canada.

“This competition is open to all. We are not requiring a membership just to be part of the team for our international competitions. As long as you meet the standards and you are willing to represent our country, you are in,” ani PSL President Susan Papa.

Nakalaan ang medalya para sa mga magwawa­ging swimmers sa bawat kategorya habang gagawaran din ng Most Outstanding Swimmer awards ang mga nangunguna sa kani-kanilang age band.

Nangunguna sa lista­han ang pambato ng host DPS Blue Dragons gayundin ang mga darayong koponan mula sa Cebu, Iloilo, Bacolod at Capiz gayundin ang mga koponang mula sa National Capital Region, Cavite, Davao, Baguio, Laguna, Pampanga, Quezon at Mindoro.  

Show comments