Lady Chiefs swak sa semis
Dominado ng Lady Chiefs ang attack line tangan ang 37-14 edge habang nakalikom ito ng 20 excellent sets mula kay playmaker Rhea Ramirez.
facebook
Lady Chiefs swak sa semis
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - January 8, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tuloy ang pananalasa ng nagdedepensang Arellano University makaraang pasukuin ang Emilio Aguinaldo College, 25-19, 25-11, 25-8 para hablutin ang unang tiket sa semis ng NCAA Season 94 wo­men’s volleyball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Dominado ng Lady Chiefs ang attack line tangan ang 37-14 edge habang nakalikom ito ng 20 excellent sets mula kay playmaker Rhea Ramirez.

Naasahan ng Lady Chiefs si Season 93 Finals MVP Regina Arocha na kumana ng 14 puntos mula sa siyam na attacks, apat na aces at isang block kasama ang 11 digs para buhatin ang kanilang tropa sa ikapitong Final Four appearance.

Nakatuwang ni Arocha sina opposite hitter Nicole Ebuen at wing spiker Princess Bello na may pinagsamang 16 markers para sa Lady Chiefs na sumulong sa 7-0 rekord.

Dalawang panalo na lamang ang kailangan ng Arellano para makumpleto ang elimination sweep.

Sa ikalawang laro, pinayuko ng University of Perpetual Help System Dalta ang Mapua University, 25-22, 25-17, 25-15 para palakasin ang tsansa nito sa semis.

Umangat ang Lady Altas sa 4-2 marka para samahan sa No. 4 spot ang San Sebastian College-Recoletos na may katulad na 4-2 kartada.

Tuluyan nang nasibak ang Lady Cardinals na may 1-6 rekord.

Sa men’s division, na­naig ang Arellano sa Emilio Aguinaldo, 25-13, 25-18, 27-29, 16-25, 16-14 tampok ang pagbibida ni Christian Dela Paz na nagtala ng 16 hits.

ARELLANO UNIVERSITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with