^

PSN Palaro

Ika-2 dikit tangka ng San Miguel vs Indonesia

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Ika-2 dikit tangka ng San Miguel vs Indonesia
Magtatagpo ang Beermen at Knights sa alas-7 ng gabi (alas-8 ng gabi sa Maynila).
ABL

MANILA, Philippines — Puntirya ng San Miguel Alab Pilipinas na masikwat ang ikalawang sunod na panalo sa pagharap nito sa CLS Knights Indonesia ngayong araw sa Asean Basketball League (ABL) Season 9 sa GOR Basket Kertajaya sa Surabaya, Indonesia.

Magtatagpo ang Beermen at Knights sa alas-7 ng gabi (alas-8 ng gabi sa Maynila).

Magandang sinimulan ng Alab Pilipinas ang kampanya nito matapos itarak ang 94-67 panalo laban sa Knights noong nakaraang linggo sa Sta. Rosa Sports Complex sa Laguna.

Sasandalan ng Beermen sina imports Renaldo Balkman at PJ Ramos na siyang naasahan ng tropa sa kanilang huling laro.

Nagtala si Balkman ng impresibong 33 puntos at 11 rebounds habang nagdagdag naman si Ramos ng 20 markers at 13 boards.

Aasahan din ng Beermen si Most Valuable Player Ray Parks Jr. na nagpas­yang hindi na dumalo sa 2018 Philippine Basketball Association (PBA) Annual Rookie Draft ngayong araw para makalaro sa Indonesia.

 Nasa ikapitong puwesto ang Knights hawak ang 2-4 rekord.

vuukle comment

SAN MIGUEL ALAB PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with