^

PSN Palaro

Guiao tiwala sa kakayahan ng Nationals vs Kazakhs

RCadayona - Pilipino Star Ngayon
Guiao tiwala sa kakayahan  ng Nationals vs Kazakhs
Ngunit kumpiyansa pa rin si head coach Yeng Guiao na maganda ang ipapakita ng mga Nationals sa pagsagupa sa Kazakhstan at Iran sa fifth window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

MANILA, Philippines — Isang beses lamang nanalo ang Team Pilipinas sa kanilang apat na tune-up games laban sa mga bisitang Jordan at Lebanon.

Ngunit kumpiyansa pa rin si head coach Yeng Guiao na maganda ang ipapakita ng mga Nationals sa pagsagupa sa Kazakhstan at Iran sa fifth window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

“We have a lot of work to do, which we hope to make it  matter in the games that are more important  to us, which is the Kazakhs and Iran games,” sabi ni Guiao.

Matapos matalo sa una nilang  tune-up game, 92-98 ay binalikan naman ng Team Pilipinas ang Jordan sa ikalawa nilang pagtutuos, 82-73 sa larong hindi natapos dahil sa komprontasyon nina Guiao at Jordanian mentor Joey Stiebing.

Yumukod naman ang Nationals kontra sa mga Lebanese, 68-74 at 58-71.

Lalabanan ng Team Pilipinas ang Kazakhstan sa Biyernes sa alas-7:30 ng gabi sa MOA Arena sa Pasay City bago isunod ang Iran sa Disyembre 3 sa parehong venue.

Sa bisperas ng kanilang pagsagupa sa mga Kazakhs ay ihahayag ni Guiao ang Final 12 ng Nationals na huhugutin mula sa 20-man national training pool.

“May idea na kami kung sino ‘yung Final 12,” sabi ni Guiao, hindi kinuha ang serbisyo ni 6-foot-8 natura­lized center Andray Blatche. “The scrimmages and tune-up games were big factors in choosing the players.”

May 5-3 record ang Pilipinas sa Group F ng Asian Qualifiers sa ilalim ng Australia (7-1) at Iran (6-2) kasunod ang Japan (4-4) at Kazakhstan (3-5) habang nasa Group E naman ang New Zealand (7-1), Lebanon (6-2), South Korea (6-2) at Jordan (5-3).

Ang Top three teams mula sa dalawang grupo kasama ang best-placed fourth squad ang kakatawan sa Asya para sa 2019 FIBA World Cup na gagawin sa China.

2019 FIBA WORLD CUP

YENG GUIAO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with