^

PSN Palaro

Green binuhat ang Raptors

Pilipino Star Ngayon
Green binuhat ang Raptors
Nakuha ni Green ang inbound pass ni Kyle Lowry sa natitirang 2.3 segundo at ikinonekta ang kanyang winning jumper sa huling 0.5 segundo para akayin sa panalo ang Toronto.
AFP

ORLANDO, Florida--  Isinalpak ni Danny Green ang isang fade-away jum­per sa huling 0.5 segundo ng final canto para tulu­ngan ang bisitang Toronto Raptors na takasan ang Magic, 93-91.

Nakuha ni Green ang inbound pass ni Kyle Lowry sa natitirang 2.3 segundo at ikinonekta ang kanyang winning jumper sa huling 0.5 segundo para akayin sa panalo ang Toronto.

Tumalbog naman ang desperadong tira ni Nikola Vucevic sa panig ng Orlando sa pagtunog ng final buzzer.

Umiskor si Kawhi Leo­nard ng 18 points para ibida ang Raptors habang may 15, 14 at 13 markers sina Pascal Siakam, Serge Ibaka at Green, ayon sa pagkakasunod.

Pinamunuan naman ni Evan Fournier ang Magic mula sa kanyang 27 points, ang 22 dito ay iniskor niya sa second half.

Sa New York, tumipa si CJ McCollum ng 31 points, habang nagtala si Damian Lillard ng 29 points, 8 assists at 6 rebounds para pamunuan ang Portland Trail Blazers sa 118-114 pagdaig sa Knicks.

Si Evan Turner ang sumelyo sa panalo ng Portland laban sa New York matapos isalpak ang kanyang put back sa huling 9.5 segundo ng fourth period.

Sa Miami, umiskor si D'Angelo Russell ng 20 points samantalang nagposte si Jarrett Allen ng 13 points at 14 rebounds sa 104-92 pagpapatumba ng bisitang Brooklyn Nets laban sa Heat.

vuukle comment

DANNY GREEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with