^

PSN Palaro

Creamline didikit sa top seed vs PetroGazz

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Creamline didikit sa top seed vs PetroGazz
Papalo ang bakbakan ng Cool Smashers at Gazz Angels sa alas-6 ng gabi habang aariba sa non-bearing game ang Adamson University at Pocari-Air Force sa alas-4.
Joven Cagande/File

Laro Ngayon(Batangas City Coliseum)

4 p.m.  Adamson-Akari vs Pocari-Air Force

6 p.m. PetroGazz vs Creamline

MANILA, Philippines — Lalapit sa top see­ding sa semis ang hangad ng Creamline sa pagsagupa nito sa Petro Gazz nga­yong araw sa Premier Volleyball League Season 2 Open Conference na m­uling tutungihin ang Batangas City Coliseum.

Papalo ang bakbakan ng Cool Smashers at Gazz Angels sa alas-6 ng gabi habang aariba sa non-bearing game ang Adamson University at Pocari-Air Force sa alas-4.

Kasalukuyang nasa ikatlong puwesto ang Cool Smashers na nagtataglay ng 9-3 baraha samantalang nangunguna ang BanKo Perlas na may 10-3 kasunod sa No. 2 ang A­teneo de Manila University (10-4). Ikaapat ang Petro Gazz na siyang nakasungkit ng hu­ling tiket sa semis bunsod ng 7-5 baraha.

Puwestuhan na lamang ang magiging labanan sa huling dalawang araw ng eliminasyon.

Ngunit inaasahang magbubuhos pa rin ng lakas ang mga ito lalo na ang mga semifina­lists upang magkaroon ng magandang momento bago sumalang sa best-of-three Final Four series.

“What’s key at this stage is to build our confidence and gain momentum. All semifinalists are strong so we have to improve as a team heading to the semis,” wika ni Creamline team captain Alyssa Valdez.

Nangunguna si Valdez sa scoring department tangan ang 20.8 average points.

At tiyak na determinado si Valdez sa pagkakataong ito dahil muli nitong makakasama ang kanyang mga kababayan sa Batangas.

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE SEASON 2 OPEN CONFERENCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with