Semis puntirya ng Creamline vs Iriga

Nakatakda ang engkuwentro ng Cool Smashers at Lady Oragons sa alas-7 ng gabi matapos ang duwelo ng Pocari-Air Force at BanKo Perlas sa alas-4 ng hapon.
Jose Mendoza/File

Laro Ngayon (The Arena)

4 p.m.  Pocari-Air Force vs BanKo-Perlas

6 p.m.  Iriga-Navy vs Creamline

MANILA, Philippines — Nais ng Creamline na masiguro ang semis spot sa pagharap nito sa Iriga-Navy sa pagpapatuloy ng Premier Volleyball League Season 2 Open Confe­rence ngayong araw sa The Arena sa San Juan City.

Nakatakda ang engkuwentro ng Cool Smashers at Lady Oragons sa alas-7 ng gabi matapos ang duwelo ng Pocari-Air Force at BanKo Perlas sa alas-4 ng hapon.

Nasolo ng Creamline ang No. 2 spot hawak ang 8-2 marka matapos payukuin ang Pocari-Air Force (23-25, 25-21, 25-20, 22-25, 15-9) noong Linggo sa larong ginanap sa Legazpi City.

Target ng Cool Sma­shers na samahan ang Ate­neo na nauna nang nagmartsa sa semis bunsod ng 10-3 kartada nito.

Kaya inaasahang i­lalabas ng Creamline ang buong puwersa nito sa pangunguna nina Alyssa Valdez na isa sa nangu­ngunang kandidato sa MVP race at ace setter Jia Morado.

Magpapasiklab din sina opposite hitter Michele Gumabao at wing spiker Jema Galanza habang mamanduhan nina Risa Sato at Maria Paulina Soriano ang net defense ng tropa.

Show comments