Tagle, Saso at Corpus bigo sa YOG

Hindi ito naduplika nina Pi­nay archer Nicole Tagle at golfers Yuka Saso at Carl Janno Corpus sa pagta­tapos ng kampanya ng bansa.

BUENOS AIRES  — Ang silver medal lamang ni Fil-Norwegian kiteboarder Christian Tio ang maiuuwi ng Philippine delegation mu­la sa 2018 Youth Olympic Games dito.

Hindi ito naduplika nina Pi­nay archer Nicole Tagle at golfers Yuka Saso at Carl Janno Corpus sa pagta­tapos ng kampanya ng bansa.

Natalo si Tagle kay Alys­sia Tromans-An­sell ng Great Britain sa round-of-16.

Nagtala naman sina Sa­so at Cor­pus ng eight-over 148 sa final day at na­bigong makapasok sa me­dal race matapos ang tat­long rounds sa mixed team event sa Hurlingham Club.

Tumapos ang Team Phi­lippines sa ika-69 posisyon mula sa kabuuang 206 bansang lumahok sa quadrennial event.

Si archer Gab Moreno ang nagbigay sa bansa ng unang gold medal sa YOG matapos maghari sa mixed international event katambal si Li Jiaman ng Chi­na no­ong 2014.

Show comments