Nauwi sa 1-1 draw ang laban ng Philippine Azkals at Oman

MANILA, Philippines — Nakapuwersa ng 1-1 draw ang Philippines men's national football team laban sa Oman sa kanilang friendly match noong Sabado sa Doha, Qa­tar.

Ang eighth-minute goal ni Raed Saleh ang nag­bi­­­gay sa Oman ng 1-0 ben­tahe.

Ngunit ang hindi sina­sad­yang goal ni Khalid Kha­lifa Al Hajri sa ika-38 mi­­nuto ang nagtabla sa Phi­l­ippine Azkals sa 1-1.

Wala pang naipapanalong laro ang Azkals, No. 114 sa FIFA world rankings, sa kanilang tatlong fiendly.

Isang 1-1 draw din ang nangyari sa laban ng Az­kals at Bahrain noong na­ka­raang buwan kasunod ang 2-3 kabiguan sa Bahraini football club Al-Hidd at 1-1 draw sa Oman.

Ang friendly ay gina­ga­mit ng Azkals bilang paghahanda para sa AFF Suzuki Cup 2018 at sa AFC Asian Cup UAE 2019.

Lalahok ang Pilipinas at Oman sa 2019 Asian Cup kung saan nasa Group C ang Azkals at sa Group F ang Oman.

Show comments