^

PSN Palaro

Beermen may bagong import

RCadayona - Pilipino Star Ngayon
Beermen may bagong import
Ibabandera ng Beermen si dating Utah Jazz Kevin Murphy, naglaro sa NBA D-League para sa Idaho Stampede bilang kapalit ni Reid.
espn.com

MANILA, Philippines — Isang dating NBA player ang ipapalit ng San Miguel para kay two-time PBA Best Import Arizona Reid sa hangaring mapalakas ang kanilang kampanya sa 2018 PBA Governor’s Cup.

Ibabandera ng Beermen si dating Utah Jazz Kevin Murphy, naglaro sa NBA D-League para sa Idaho Stampede bilang kapalit ni Reid.

Ang 28-anyos na si Murphy ang second-round pick (47th overall) ng Jazz noong 2012 NBA Draft at naging bahagi ng three-team trade deal na nagdala kay Andre Iguodala sa Golden State mula sa Denver Nuggets.

Nanatili si Iguodala sa Warriors at binitawan naman si Murphy.

Sinibak ng San Miguel si Reid bunga ng mahina nitong inilalaro, lalo na sa 102-110 kabiguan sa nagdedepensang Barangay Ginebra kung saan siya tumapos na may 13 points noong Linggo.

Iginiya ni Reid ang San Miguel sa kampeonato ng season-ending conference noong 2015 matapos walisin ang Alaska sa kanilang title series.

KEVIN MURPHY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with