^

PSN Palaro

Mayweather sinimulan na ang pagpapakondisyon

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Mayweather sinimulan na ang pagpapakondisyon
Ito ang la­rawang ipinoste ni Floyd May­weather sa kan­yang Insta­gram account matapos ang isang linggong trai­ning.

Para sa rematch nila ni Pacquiao

MANILA, Philippines — Seryoso si undefeated Floyd Mayweather na muling bumalik sa ibabaw ng ring.

Nagpahiwatig na si Mayweather matapos mag-post sa kanyang Instagram account na sumailalim ito sa isang linggong training na tila paghahanda sa kanyang pagbabalik aksyon.

“Not bad for one week of training #UNDEFEA­TED,” ani Mayweather sa kanyang post.

Hinamon kamakailan ni Mayweather si eight-division world champion Manny Pacquiao sa isang rematch sa kanilang pagtatagpo sa Tokyo, Japan.

Subalit lumabas ang bali-balitang nais muna ni Mayweather na magkaroon ng isang tune-up match sa Japan bago harapin si Pacquiao.

Nasa 41-anyos na si Mayweather kaya’t iba na rin ang lebel ng paglalaro nito sa boksing. Ngunit hindi maikakaila na may lakas pa rin ito kung bangis din lang ang pag-uusapan.

Huling nasilayan sa aksyon si Floyd noong Hun­yo ng nakaraang taon kung saan itinala nito ang 10th-round technical knockout win laban kay Connor McGregor.

Matapos ang laban, muling nagretiro si Mayweather.

Kita pa rin ang liksi at bilis ni Mayweather para ma­itala ang impresibong 50-0 rekord.

Sa kabilang banda, sa­riwa si Pacquiao sa matikas na seventh-round technical knockout win kontra kay Lucas Matthysse ng Argentina sa kanyang WBA welterweight title defense noong Hulyo na ginanap sa Kuala  Lumpur, Malaysia.

Dahil sa matikas na pagpapabagsak kay Ma­tthysse, muling nagbalik ang ningning sa pangalan ni Pacquiao kaya’t malaki ang posibilidad na matuloy ang Pacquiao-Mayweather fight na inaasahang muling tatabo sa takilya.

Wala pang pormal na anunsyo ang magkabilang kampo ngunit usap-usapan na magaganap ito sa u­nang bahagi ng 2019. 

vuukle comment

FLOYD MAYWEATHER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with