^

PSN Palaro

Top seed ang Lady Falcons

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Top seed ang Lady Falcons
Maganda ang distribusyon ng bola ng Adamson kung saan apat na players nito ang nagtala ng double digits kabilang na si team captain Lea Perez na gumawa ng 12 markers kabilang ang apat na solidong blocks at tatlong aces.
File Photo

Laro Ngayon (The Arena)

2pm SBU vs UPHSD (W)

4pm SSC-R vs CSB (W)

MANILA, Philippines — Ginulantang ng Adamson University ang University of Santo Tomas matapos kubrahin ang 15-25, 26-24, 25-23, 25-20 panalo upang matiyak ang No. 1 seed sa Final Four ng Premier Volleyball League Season 2 Collegiate Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Maganda ang distribusyon ng bola ng Adamson kung saan apat na players nito ang nagtala ng double digits kabilang na si team captain Lea Perez na gumawa ng 12 markers kabilang ang apat na solidong blocks at tatlong aces.

May magkakatulad na 10 points sina opposite hitter Eli Soyud, outside spiker Bernadeth Flora at substitute Trisha Genesis para sa Lady Falcons.

Nanatiling malinis ang rekord ng Lady Falcons na sumulong sa 5-0 marka para masolo ang liderato habang nahulog sa No. 2 ang Tigresses na lumasap ng unang kabiguan sa anim na laro.

Umuusok ang T­igres­ses sa attack line nang mag­rehistro ito ng 53-35 bentahe sa spikes.

Subalit mas matindi ang depensa ng Adamson sa net bitbit ang 12-5 edge sa blocks.

Nakakuha pa ang Lady Falcons ng 38 libreng puntos mula sa errors ng T­igresses.

Nasayang ang 23 puntos na pinaghirapan ni Filipino-Italian Alessandrini Milena para sa UST.

Sa men’s division, nilapa ng reigning UAAP champion National University ang Adamson University, 25-21, 23-25, 25-10, 21-25, 17-15 para makabalik sa porma hawak ang 6-1 baraha.

Namayani rin ang Far Eastern University sa San Beda University, 25-18, 25-18, 23-25, 25-18 para mapaganda ang rekord nito sa 4-3.

 Laglag ang Soaring Falcons sa 4-3 habang nakatikim ang Red Lions ng ikalimang kabiguan kontra sa dalawang panalo.

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE SEASON 2 COLLEGIATE CONFERENCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with