^

PSN Palaro

Revellers, Scratchers unahan sa 2-1 lead

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Revellers, Scratchers unahan sa 2-1 lead
Kaya naman asahan ang mas matinding pukpukan sa pagitan ng Go For Gold at Che'lu Bar and Grill sa Game 3 ng PBA D-League best-of-five championship series ngayong hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
File photo

Laro Ngayon (Ynares Pasig)

5pm Go For Gold vs Che’Lu

MANILA, Philippines — Back to zero ang serye.

Kaya naman asahan ang mas matinding pukpukan sa pagitan ng Go For Gold at Che'lu Bar and Grill sa Game 3 ng PBA D-League best-of-five championship series ngayong hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Nakatakda ang muling salpukan ng Scratchers at Revellers sa alas-5 ng hapon kung saan mag-uunahan ang dalawang tropa na makuha ang 2-1 bentahe sa serye.

Nakauna ang Revellers nang masungkit nito ang 100-96 come-from-behind win sa Game 1 noong nakaraang linggo ngunit naitabla ito ng Scratchers sa bendisyon ng impresibong 105-81 demolisyon noong Martes.

Nagawa ito ng Go For Gold dahil sa maningning na laro ni Gab Banal na nagpasabog ng 33 puntos tampok ang pitong three-pointers kalakip ang anim na rebounds at apat na assists.

Sa kabuuan, humakot ang Scratchers ng 15 triples para pahirapan ng husto ang Revellers.

Maliban kay Banal, muling sasandalan ni Tiu sina Chris Porter, Ron Dennison at Paul Desiderio.

Sa kabilang banda, kailangang maibalik ng Revellers ang bangis nito gaya ng kanilang ginawa sa Game 1.

vuukle comment

PBA D-LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with