Palicte, Tabamo abante sa q’finals

Nalagasan naman ng isang miyembro ang natio­nal team matapos yumuko si Joel Bacho sa men’s welterweight (69 kg.) class.

MANILA, Philippines — Dalawang Pinoy pugs ang nakahirit ng tiket sa quarterfinals matapos magtala ng parehong unanimous decision win sa 2018 Thailand Open International Boxing Tournament na ginaganap sa Bangkok, Thailand.

Unang umabante si James Palicte nang iselyo nito ang 5-0 panalo (29-28, 30-27, 29-28, 29-28, 29-28) laban kay Lai Chu-En ng Chinese-Taipei sa men’s lightweight (60 kg.) division.

Agad namang sumunod si Marvin Tabamo nang kubrahin nito ang 5-0 desisyon (30-26, 30-27, 30-27, 30-27, 30-27) kontra naman kay Jean David Rolfo ng Mauritius sa men’s flyweight (52 kg.).

MANILA, Philippines — Puntirya ni Palicte na makahirit ng tiket sa semis sa pakikipagtipan kay Kimura Rentaro ng Japan na umiskor ng 4-1 panalo kay Almatbouli Ahmad ng Jordan habang lalarga naman si Tabamo kontra kay Kim Inkyu ng South Korea na nagsumite ng 3-0 panalo kay Tolybayev Bagdat ng Kazakhstan.

Nalagasan naman ng isang miyembro ang natio­nal team matapos yumuko si Joel Bacho sa men’s welterweight (69 kg.) class.

Lumasap si Bacho ng 0-5 desisyon (27-30, 28-29, 27-30, 27-30, 27-30) laban kay Sailom Ardee ng host Thailand na nilahukan ng mahigit 80 boxers kabilang na mula sa Kazakhstan, Russia, China, India, Cuba, Uzbekistan, Australia, Amerika at Mongolia.

Nakatakdang lumaban sa kani-kanilang se­cond-round matches sina Southeast Asian Games gold medallist Mario, Carlo Paalam at Sugar Ray O­cana noong Lunes ng gabi.

Show comments