Tenorio bumida sa 2 sunod ng Gin Kings

Tenorio

MANILA, Philippines — Pinatunayan ni veteran guard LA Tenorio na hindi hadlang ang kanyang pagiging maliit para matulu­ngan ang Barangay Ginebra sa elimination round ng 2018 PBA Commissioner’s Cup.

Sa 133-104 pagdurog ng Gin Kings laban sa Columbian Dyip noong nakaraang Miyerkules ay nagtala ang 33-anyos na si Tenorio ng 16 points, 10 assists, 3 rebounds at 3 steals.

Naglista naman ang 5-foot-10 playmaker ng 12 points, 5 rebounds, 5 steals at 3 assists sa 105-85 paggupo ng Ginebra laban sa Alaska.

Sa naturang dalawang sunod na panalo ng Gin Kings ay nagtala si Tenorio ng mga averages na 14 points, 6.5 assists, 4.0 rebounds at 4.0 steals para kilalanin bilang Cignal-PBA Press Corps Player of the Week.

Show comments