^

PSN Palaro

Humataw si Pringle

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Humataw si Pringle
Sinupalpal ni Jonathan Grey ng Batang Pier si import Rashwan McCarthy ng Dyip.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Naglaro na parang import si Fil-American guard Stanley Pringle para patibayin ang kanilang tsansang makasama sa eight-team quarterfinals cast.

Nagpasabog si Pringle ng career-high na 50 points para banderahan ang mga Batang Pier sa 133-115 paggupo sa Columbian Dyip sa 2018 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Ito ang pang-limang panalo ng Globalport, itinampok ang mga bagong hugot na sina Gabby Espinas at Paolo Taha, sa 10 laro kasabay ng paghuhulog sa Columbia sa 4-7 marka.

Para tuluyan nang ma­ibulsa ang isang quarterfinals seat ay kailangang talunin ng Batang Pier ang Ginebra Gin Kings sa Hul­yo 6 sa huli nilang laro sa single-round eliminations.

“We got to keep mo­ving forward, keep execu­ting and work on our offense,” sabi ni Pringle, nagsalpak ng siyam na three-point shots at nagtala ng 6 assists.

Si Pringle ang unang player matapos ang 14 taon na umiskor ng 50 points.

Tumipa si Fil-Tongan big man Asi Taulava ng 51 markers para sa Talk ‘N Text noong 2004.

Samantala, pinagmulta sina Arwind Santos ng San Miguel at Anthony Se­merad ng TNT Katropa ng tig-P20,000 dahil sa kanilang rambulan noong Hunyo 16.

Sa isang rebound play ay kapwa bumagsak sa sahig sina Santos at Semerad sa 7:36 minuto ng fourth period kung saan tabla ang Beermen at Tropang Texters sa 83-83.

Nagsikuhan sa ulo sina Santos at Semerad na nagresulta sa kanilang flagrant foul penalty 2 at pagkakatalsik sa larong naipanalo ng San Miguel  laban sa TNT Katropa, 99-94.

vuukle comment

STANLEY PRINGLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with