Petron, Foton at F2 Logistics paborito

Pangungunahan ng defending champion Cignal HD ang ikalawang confe­rence sa Season 5 ng PSL kabilang na ang dalawang guest teams na University of the Philippines-United Auctioneers Lady Fighting Maroons at University of the East-Cherrylume Lady Warriors.

MANILA, Philippines — Matapos masungkit ang Grand Prix crown, hangad ngayon ng Petron Blaze Spikers ang ikalawang sunod na titulo sa paglarga bukas ng 2018 Philippine Superliga (PSL) Invitational Conference sa Smart Araneta Coliseum.

Pangungunahan ng defending champion Cignal HD ang ikalawang confe­rence sa Season 5 ng PSL kabilang na ang dalawang guest teams na University of the Philippines-United Auctioneers Lady Fighting Maroons at University of the East-Cherrylume Lady Warriors.

Bukod sa Petron at Cignal HD,  ang iba pang kasali ay F2 Logistics, Generika-Ayala, Foton Tornadoes, Smart Giga, Sta. Lucia at Cocolife Asset Managers.

Sa unang araw, makaharap agad ng Generika-Ayala ang guest team na University of the Philippines-UAI Fighting Lady Maroons sa alas-5 ng hapon habang magtatagpo naman ang F2 Logistics at Foton Tornadoes sa alas-7 ng gabi.

Dahil sa asam na titulo, nagpalakas ang Foton sa pamamagitan ng pagkuha kay 5’11 Bea de Leon ng Ateneo Lady Eagles para maitatag ang ‘Triple Tower’ ni coach Rommel Abella kasama sina 6’3 Dindin Santiago-Manabat at ang kanyang kapatid na si 6’5 Jaja.

Nanatili pa ring ma­lakas ang F2 Logistics dahil muling maglalaro sina La Salle  stars Kim Dy, Dawn Macandili, Majoy Baron at Desiree Cheng kasama sina Kim Fajardo at Aby Maraño.

Sa hangad na ikala­wang sunod na titulo, ang  Petron ay  pangungunahan pa rin nina Mika Reyes, Rhea Dimaculangan, Aiza Maizo-Pontillas at Frances Molina, Angelica Legacion, Joy Palma, Carmela Tunay, Bernadeth Pons at Cherry Rondina.

Show comments