^

PSN Palaro

Mexico sinilat ang Germany

Pilipino Star Ngayon
Mexico  sinilat ang Germany
Nagdiwang ang Mexico nang umiskor si Hirving Lozano sa 35th minute at talunin ang Germany.

MOSCOW -- Lubhang nahihirapan ang mga de­fen­ding World Cup champions na makalampas sa group stage at kasama  rito ang Germany.

Tinalo ng Mexico ang 2014 champions na Germany, ang World No. 1 seed, na maaaring bumigo sa kanilang hangaring makapasok sa susunod na round.

“We will make it,” wika naman ni Germany coach Joachim Loew. “There’s no reason to fall apart because you lose one game.”

Iniskor ni Hirving Lozano ang nag-iisang goal sa ika-35 minuto mula sa pasa ni Javier Hernandez sa loob ng penalty area para matakasan sina Mesut Ozil at Germany goalkeeper Manuel Neuer.

Ang nasabing goal ang naging final score na hindi inasahan ng Germany.

Sunod na lalabanan ng Mexico ang South Korea at Sweden habang haharapin ng Germany ang Sweden  sa Sabado at ang South Korea sa Hunyo 27 para makaiwas sa pagkakasibak sa World Cup.

Ang tatlo sa huling apat na defending World Cup champions ay hindi u­mabot sa knockout stages.

Ang mga ito ay ang France, Italy at Spain kung saan natalo ang mga French at Spaniards sa ka­­nilang opening matches, habang nakipag-draw naman ang mga Italians.

Hangad ng mga Germans na maging unang koponan na nakapagdepensa ng World Cup title matapos ang Brazil noong 1962, ngunit isang panalo lamang ang naitala sa huli nilang pitong laro.

Huli nilang naisuko ang opening game noong 1982 laban sa Algeria, 1-2. Hindi pa tinatalo ng Mexico ang Germany sa isang competitive match kung saan ang huli ay sa 1-4 noong 2017 Confederations Cup.

vuukle comment

WORLD CUP CHAMPIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with