Tropang Texters hihirit sa Top Two sa quarterfinals

MANILA, Philippines — Matapos ang pagkakasibak ng Philippine team sa 2018 FIBA 3x3 World Cup ay tutulungan naman nina RR Pogoy, Troy Rosario, Christian Standhardinger at Stanley Pringle ang kani-ka­nilang koponan sa 2018 PBA Commissioner’s Cup.

Muling isusuot nina Po­goy at Rosario ang unipor­me ng TNT Katropa sa pag­sagupa sa Magnolia ngayong alas-7 ng gabi, ha­bang igigiya ni Standhar­dinger ang nagdedepensang San Miguel laban kay Pringle at sa Globalport sa alas-4:30 ng hapon sa Mall of Asia Arena sa Pa­say City.

Nabigo ang No. 19 Phi­l­ip­pine team na makaaban­te sa knockout quarterfinals ng FIBA 3x3 World Cup ma­tapos makalasap ng 19-20 kabiguan sa No. 14 Canada kamakalawa sa Phil­ippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Tinapos ng Nationals ang kampanya hawak ang 2-2 record tampok ang 15-7 paggupo sa No. 6 Brazil at 19-12 panalo laban sa No. 3 Russia.

Hangad naman ng Tro­pang Texters, nasa three-game winning streak, na ma­­kalapit sa isa sa dalawang 'twice-to-beat' incentive sa pakikipagtuos sa Hot­­shots na nasa tatlong su­nod na kamalasan.

Ang No. 1 at No. 2 teams matapos ang eliminations ang magtataglay ng ‘twice-to-beat’ advantage laban sa No. 8 at No. 7 squads, ayon sa pagkaka­sunod, sa quarterfinals.

Maghaharap naman sa best-of-three series ang No. 3 laban sa No. 6 at ang No. 4 kontra sa No. 5.

Show comments