Blue Eagles ikinasa ang q’finals
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - June 5, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Winasak ng reigning UAAP champion Ateneo de Manila University ang Emilio Aguinaldo College, 108-44 upang masungkit ang kanilang tiket sa quarterfinals ng 12th FilOil Flying V Preseason Cup kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Gumawa rin ng kasaysayan ang Blue Eagles dahil ito ang biggest winning margin sa kasaysayan ng liga.

Nanguna sa ratsada ng Blue Eagles si Matt Nieto na nagtala ng 14 puntos tampok ang apat na three-points para tulungan ang kanilang tropa na masiguro ang ikapitong panalo (7-0) at manatiling nakakapit sa liderato sa Group A.

Nagdagdag naman si Jolo Mendoza ng 13 puntos habang umariba sina Adrian Wong at Mike Nieto ng tig-10 puntos para sa Blue Eagles.

“The result did not surprise me because we play with the same kind of intensity in every possession. On one end, we don't want to humiliate our opponents. But on the other end, we want out players to be true to our play style,” wika ni Ateneo assistant coach Sandy Arespacochaga.

Dominado ng Blue Eagles ang laro matapos magtala ng 59 shooting percentage habang angat din ito sa rebounds (44-28) at assists (30-10).

Wala pa ring panalo ang Generals na lumasap ng ikaanim na sunod na kabiguan.

Nanguna para sa EAC si Vincent Robin na may 12 points samantalang may tig-pito sina Arjell Natividad at Rustan Bugarin.

Sumampa naman sa win-column ang University of Perpetual Help System Dalta nang pataubin ang University of the East (UE), 95-75.

Bumanat si Luke Sese ng pitong tres para tumapos tangan ang 25 puntos para sa Altas na umangat sa 1-6.

Maganda rin ang kontribusyon nina Edgar Charcos na may 15 points, Kim Aurin na may 14 points at Prince Eze na may double-double na 12 points at 16 rebounds.

Bagsak sa 3-5 ang Red Warriors.

Hindi napakinabangan ang 14 puntos ni Alvin Pasaol gayundin ang pinagsama-samang 35 puntos nina Philip Manalang, Rey Acuno at Chris Conner.

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY EMILIO AGUINALDO COLLEGE UAAP CHAMPION
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with