^

PSN Palaro

PSL beach volley q’finals hahataw na

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Balik-aksiyon ngayon ang PSL Beach Volleyball Challenge Cup tampok ang walong koponang magbabakbakan sa quarterfinals ng women’s division sa Sands By the Bay sa Mall of Asia.

Nagpatupad ang mga organizers ng isang araw na pahinga upang makapaghanda ang mga koponan sa mas krusyal na salpukan ngayong araw.

Hangad nina reigning champions Sisi Rondina at Bernadeth Pons ng Petron na makapasok sa semis sa pagharap nito kina Bianca Lizares at Jonah Sabete ng Sta. Lucia-B sa alas-3.

Nakatakda rin ang paluan nina Patty Orendain at Fiola Ceballos ng Generika Ayala-A at nina reigning NCAA champions Jiezela Viray at Nieza Viray ng Foton sa alas-4.

Hahataw naman sa morning session sina Jackie Estoquia at Dhannylaine Demontano ng Sta. Lucia-A kontra kina Cherry May Vivas at Jannine Navarro ng Cignal-B sa alas-10 kasunod ang engkuwentro nina Michelle Morente at Fritz Gallenero ng F2 Logistics laban kina Mylene Paat at Rap Aguilar ng Cignal-A sa alas-11.

Nakasiguro sina Rondina at Pons ng puwesto sa quarterfinals matapos walisin ang kanilang dalawang laro sa Pool  A habang tumapos din tangan ang 2-0 sina Estoquia at Demontano (Pool B), Viray twins (Pool C) at Morente at Gallenero (Pool) D sa kani-kanilang group stage.

Sa men’s division, papalo ang semifinals sa pagitan ng Sands by the Bay nina Bryan Bagunas at James Natividad  at Smart nina Gregory Otupo at Philip Michael Bagalay sa alas-8 ng umaga.

vuukle comment

PSL BEACH VOLLEYBALL CHALLENGE CUP

WOMEN’S DIVISION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with