Almadro bagong coach ng Lady Eagles

MANILA, Philippines — Kinuha ng Ateneo de Manila University si Oliver Almadro bilang bagong head coach ng women’s volleyball team.

Si Almadro ang hahalili sa nabakanteng puwesto ni Thai mentor Tai Bundit na dinala ang Lady Eagles sa back-to-back titles noong Season 76 at 77.

“With his strong passion for the sport, and the breadth of his experience in forming and mentoring the young, and an undying commitment to our spirit of magic, Coach Oliver is favorably our man to lead our Lady Eagles to greater heights,” wika ni Ateneo president Father Jett Villarin SJ sa statement.

Masusubukan ang tikas ni Almadro sa UAAP Season 81 na magsisimula sa Setyembre.

Makulay ang rekord ni Almadro.

Hinatak nito ang Blue Eagles na makuha ang tatlong UAAP titles kaya’t umaasa ang pamunuan ng Ateneo na madadala nito sa Lady Eagles ang kanyang championship experience.

Magiging head coach naman ng men’s team si Timmy Sto. Tomas na isa sa mga assistant coaches ni Almadro sa Blue Eagles.

Show comments