Magarbong opening ceremony sa PNG

CEBU CITY, Philippines — Ibibigay ng host province ang pina­kamagandang opening ceremony sa inaasahang pagdalo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2018 Philippine Nationals Games ngayong hapon dito sa Abellana Sports Complex.

Ito ang ipinangako kahapon ni Ricky Ballesteros, ang Cebu City Sports Commission Manager at ang Opening and Closing Ceremonies head.

“We have prepared the best opening presentation yet in any PNG with hundreds of performers from all over the region,” wika ni Ballesteros.

Makakasama ni Presidente Duterte sa seremonya sina sports legends Django Bustamante (billards), Elma Muros-Posadas (athle­tics), Eugene Torre (chess), Bong Coo (bowling), Onyok Velasco (boxing) at Hidilyn Diaz (weightlifting).

Humigit-kumulang sa 700 performers ang tinapik para sa opening ceremonies.

Ito ang ikalawang pagkakataon na pamamahalaan ng Cebu City ang PNG matapos noong 1997 na ikatlong edisyon ng tinatawag na national championship ng mga National Sports Associations.

Show comments