^

PSN Palaro

Blue Eagles kontra sa Bulldogs sa finals

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Balik sa Finals ang reigning champion na Ate­neo De Manila University ma­tapos patalsikin ang se­cond seed na Far Eastern University sa bendisyon ng 25-19, 18-25, 25-22, 25-18 de­sisyon sa UAAP Season 80 men’s volleyball tour­na­ment kahapon sa The Are­na sa San Juan City.

Muling umariba si four-time Most Valuable Player Marck Jesus Espejo maka­raang pumalo ng 37 points galing sa 34 attacks at tatlong blocks na sinamahan pa ng 10 excellent digs pa­ra pamunuan ang Blue Eagles sa pagmartsa sa Fi­nals.

Malakas din ang supor­ta ni open hitter Ron Medalla na nag-ambag ng siyam na puntos gayundin sina team captain Karl Baysa at middle blocker Chumason Njigha na may pinagsamang 15 marka para sa Ate­neo.

Naging epektibo rin ang kumbinasyon nina setter Ish Polvorosa na gumawa ng 40 excellent sets at li­bero Manuel Sumanguid na uma­ni ng 25 receptions at 19 digs para sa Blue Eagles.

Nabalewala ang ‘twice-to-beat’ advantage ng Ta­maraws sa semis.

Nauna nang umiskor ang Ateneo ng 18-25, 25-13, 24-26, 25-23, 15-9 pa­na­lo sa FEU sa kanilang unang paghaharap sa se­mis noong Sabado.

Makakasagupa ng Blue Eagles ang Bulldogs ng Na­tional University para sa best-of-three championship showdown na magsisimula sa Sabado sa Smart Araneta Coliseum.

Ito ang pang-limang su­nod na taon na maghaha­rap ang Ateneo at NU sa Fi­nals kung saan hawak ng una ang 3-1 kalamangan sa kanilang head-to-head.

Naghari ang Bull­dogs sa Season 76 at ki­nuha ng Blue Eagles ang Season 77, 78 at 79.

vuukle comment

ATE­NEO DE MANILA UNIVERSITY

UAAP SEASON 80 MEN’S VOLLEYBALL TOUR­NA­MENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with