Pacman kayang patulugin ni Lucas
(Pilipino Star Ngayon) - April 24, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kumpiyansa ang kam­po ni WBA welterweight champion Lucas Matthysse na tuluyan nang patitigilin ng WBA welterweight champion si Manny Pacquiao sa kanilang paghaharap sa Hulyo 15.

Sa isang panayam, sinabi ni Mario Arano, ang manager ni Matthysse, na matagal na niyang sinusundan ang career ni Pacquiao.

“I saw his (Pacquiao’s) fights live in Las Vegas and many places,” sabi ni Aranao sa pamamagitan ni Golden Boy Promotions public relations head Ramiro Gonzalez bilang translator.

Mismong si Arano ang naghayag na “Pacquiao’s time is over” sa press confe­rence kamakailan sa Grand Ballroom ng City of Dreams.

Naniniwala si Arano na magiging impresibo ang panalo ng 35-anyos na pambato ng Chubut, Argentina sa 39-anyos na si Pacquiao sa Kuala Lumpur, Malaysia.

“I still think Lucas is gonna knock Pacquiao out,” wika ni Arano.

Sa kanyang makulay na boxing career ay tatlong beses pa lamang napapabagsak si Pacquiao.

Mangangailangan si Matthysse ng napakalakas na suntok para patulugin ang Filipino icon.

“Since three years ago we want to fight Pacquiao. Everyone knows that this is the fight we’ve been looking for because we know we can beat Pacquiao,” ani Arano.

Matapos ang kanilang two-city promotional engagement--kasama ang isang press conference sa Kuala Lumpur ngayong linggo-- ay sisimulan ni Matthysse ang kanyang training sa Indio, California sa ilalim ni trainer Joel Diaz.

Si Diaz ang nagsanay kay Timothy Bradley Jr. sa unang dalawang laban ng American fighter kay Pacquiao.

“We got the opportunity, we’re not gonna let go of it,” sabi ni Arano.

LUCAS MATTHYSSE MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with