_ngayon
^

PSN Palaro

Respetadong pagtatapos habol ng 4 teams

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Laro ngayo (Blue Eagle Gym)

2pm UE vs UP

4pm ADU vs UST

MANILA, Philippines — Hangad ng apat na koponan na mabigyan ng magarbong pagtatapos ang kanilang kampanya sa season na ito sa pag­larga ng penultimate day ng eliminasyon sa UAAP Season 80 women’s volleyball tournament sa Blue Eagle Gym sa Katipunan.

Maghaharap ang University of the East at University of the Philippines sa alas-2 kasunod ang duwelo ng Adamson University at University of Santo Tomas sa alas-4.

Hindi pinalad ang apat na tropa na makapasok sa Final Four ngunit asahan pa rin ang pukpukang labanan dahil lalaban ang mga ito para sa pride ng kanilang unibersidad.

Parehong may 5-8 baraha ang Lady Falcons at Lady Maroons kasunod ang Tigresses na may 4-9 at Lady Warriors na may 2-11.

Nakuha ng nagdedepensang De La Salle University (11-2), Ateneo de Manila University (9-4), Far Eastern University (9-4) at National University (7-6) ang semis slots tangan ang kani-kanilang rekord.

Galing ang Adamson sa masaklap na kabiguan sa kamay ng La Salle, 21-25, 15-25, 25-22, 18-25 na siyang humatak sa kanila pababa.

Nais ng Lady Falcons na kalimutan na ito at magsilbing aral para sa mga susunod na kampanya ng tropa.

Ito ang huling laro nina Jema Galanza, Mylene Paat, Fhen Emnas at Jellie Tempiatura kaya’t itotodo na ng apat ang buong lakas para bigyan ng magandang exit ang kanilang collegiate career.

Ganito rin ang mentalidad ng Tigresses.

Sa umpisa pa lamang ng liga, nagtamo na agad ng malaking dagok ang UST.

Hindi na naglaro si middle hitter Ria Meneses na kasalukuyan nang nagla­laro sa commercial league kasama ang Generika-Ayala habang hindi rin nasilayan si EJ Laure na umano’y may shoulder injury.

Kaya naman nakapa­san kay Cherry Ann Rondina ang pag-asa ng UST.Kailangan lamang nito ng suporta mula kina Christine Francisco, Shannen Palec, Carla Sandoval, Alina Bicar at Dimdim Pacres para magkaroon ng engrandeng pagtatapos ang kanilang kampanya sa season na ito.  

UAAP SEASON 80 WOMEN’S VOLLEYBALL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with