Ngunit duda si Bob Arum ng Top Rank Promotions kung matutuloy ito.  File photo

Duda si Arum kung matutuloy ang Pacquiao-Matthysse fight
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - March 10, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inihayag kamakalawa ng MP Promotions ni Manny Pacquiao ang kanyang pagsagupa kay Lucas Matthysse ng Argentina sa Hunyo 24 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ngunit duda si Bob Arum ng Top Rank Promotions kung matutuloy ito.

“The Malaysia part is up in the air. I don’t know these Malaysian people. If they put up the money, it’ll happen, happily. But do I know whether the money will be put up? No, I don’t. It’s as simple as that. It’s exactly like usual,” pahayagi ni Arum sa panayam ng BoxingScene.com kahapon.

“The only difference is the action has now moved from the Mideast to Asia. It used to be the Mideast. How many stories were there about investors in Abu Dhabi, about Dubai, about Saudi Arabia?”

Matatandaang muntik nang maloko si Pacquiao matapos pumayag na harapin si British star Amir Khan sa United Arab Emirates para sa kanyang dating suot na World Boxing Organization welterweight belt.

Ngunit nabistong walang maipakitang pondo ang investment group mula sa UAE para gawin ang nasabing laban nina Pacquiao at Khan.

Nilabanan ni Pacquiao si Australian Jeff Horn noong Hulyo 4 sa Brisbane, Australia kung saan siya natalo at naisuko ang suot na WBO welterweight crown.

Sinabi ni Arum na ang MP Promotions ni Pacquiao (59-7-2, 38 KOs) ang nag-aayos ng laban ng Senador kay Matthysse (39-4-0, 36 KOs).

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with