Wozniacki pasok sa quarters sa Aussie Open

MELBOURNE - I­pinagpatuloy ni Caroline Wozniacki ang kanyang magandang ipinapakita sa Australian Open nang umabante sa quarterfinals sapul noong 2012 sa pamamagitan ng 6-3, 6-0 panalo laban kay Magdalena Rybarikova.

Ito ang ikalawang sunod na straight sets win ng No. 2-ranked na si Woz­niacki at makakasagupa sa  quarterfinals si Carla Sua­rez Navarro, niresbakan si No. 32 Anett Kontaveit 4-6, 6-4, 8-6.

Matapos ang mahigpitang laro laban sa No. 19-seeded na si Rybarikova, isang Wimbledon semifinalist noong nakaraang taon,  dinomina ni Wozniacki ang fourth-round match at nagbigay lamang ng 6 points sa second set.

“I think you can tell my confidence is high,” sabi ni Wozniacki, inangkin ang WTA Finals title noong nakaraang season. “I tried a tweener today and it went in.”

Makakabalik si Woz­niacki sa top ranking kung makakapasok siya sa semifinals.

Hindi pa siya nananalo ng Grand Slam singles title at natalo ng dalawang beses sa U.S. Open finals laban kina Kim Clijsters noong 2009 at Serena Williams noong 2014.

Show comments