Sharapova rumesbak kay Sevastova

MELBOURNE-- Isa itong paghihiganti para kay Maria Sharapova.

Niresbakan ni Sharapova si Anastasija Sevastova, 6-1, 7-6 (4)  para umabante sa third round ng Australian Open.

Nauna nang sinibak ng Latvian na si Sevastova si Sharapova sa fourth round ng nakaraang US Open sa pagbabalik ng Russian matapos ang 15-month doping ban.

Sa kanilang Melbourne Park rematch ay sinabi ni Sharapova na handa siyang labanan ang 14th seed na si Sevastova sa gitna ng nagbabagang araw.

  Noong 2016 ay naging positibo si Sharapova sa paggamit ng meldonium matapos ang kanyang kabiguan kay Serena Williams sa quarterfinals.

Sa kanyang pagbabalik sa Rod Laver Arena ay tinapos ni Sharapova si Sevastova sa  20 minuto.

Show comments