Sharapova, Kerber, Djoko umabante sa 2nd round

MELBOURNE--Umabante sa second round sina Maria Sharapova, Angelique Kerber at Novak Djokovic sa kanilang pagbabalik sa aksyon sa Day 2 ng Australian Open.

Umiskor si Sharapova, nagbalik sa eksena makaraang bumagsak sa doping test noong 2016 na nagresulta sa kanyang 15-month ban sa tennis, ng 6-1, 6-4 panalo laban kay Tatjana Maria.

“It’s been a couple of years since I’ve been back here-- obviously I wanted to enjoy the moment,” sabi ng 2008 Australian Open champion at three-time runner-up sa isang on-court TV interview.

Nagmula naman ang six-time champion na si Djokovic at ang 2014 winner na si Stan Wawrinka buhat sa mahabang injury layoffs para magtala ng panalo sa una nilang mga laro matapos ang Wimbledon.

Nagtala si Djokovic, limang beses naghari sa  Australian Open, ng 6-1, 6-2, 6-4 panalo kontra kay Donald Young.

Humataw si Wawrinka, anim na buwan hindi naglaro matapos ang surgery sa kanyang kaliwang tuhod, ng 6-3, 6-4, 2-6, 7-6 (2)  panalo laban kay Ricardas Berankis ng Lithuania.

Nagmartsa rin sa second round si Kerber, ang 2016 champion, matapos kunin ang 6-0, 6-4 tagumpay laban kay German Anna-Lena Friedsam.

Show comments