Pacquiao-Khan fight gustong maplantsa ni Hearn
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - January 13, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kung mayroon mang boskingerong maaaring labanan si Manny Pacquiao sa kanyang pagbabalik sa aksyon, ito ay si British bo­xing star Amir Khan.

Sa isang panayam ay sinabi ni promoter Eddie Hearn ng Matchroom Bo­xing na isa si Pacquiao sa gusto niyang itapat kay Khan sa muling pag-akyat ng Briton sa boxing ring sa Abril 21.

“The plan is to box in April and then again in August or September in preparation for a super-fight in winter 2018,”  sabi ni Hearn kay Khan.

“The target is to provide him with the biggest fights possible with a mouth-watering list of names including the likes of Manny Pacquiao, Kell Brook, Keith Thurman and Errol Spence.”

Ilang beses nabasura ang binabalak na upakan nina Pacquiao at Khan, dating sparring partner sa ilalim ni Hall of Fame trainer Freddie Roach.

Si Khan, dating world light welterweight titlist, ang dapat sanang kinalaban ni Pacquiao noong 2017 at hindi si Australian Jeff Horn.

Ngunit walang naipakitang pondo ang nangakong investment group mula sa Middle East para sa laban nina Khan at Pacquiao.

Dahil sa pagkakabasura ng laban ni Khan kay Pacquiao ay mas pinili ng Filipino world eight-division champion na labanan si Horn na umagaw sa kanya ng WBO welterweight crown via unanimous decision noong Hulyo 2.

Huling lumaban si Khan noong Mayo ng 2016 kung saan siya napatulog ni Canelo Alvarez sa sixth-round sa Las Vegas, Nevada.

“I’m excited to get star­ted and looking forward to a huge night of boxing on April 21,” wika ni Hearn sa pagpapapirma sa 30-an­yos na si Khan ng three-fight contract.

Plano ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na ilaban ang 39-anyos na si Pacquiao sa isang matin­ding karibal sa Abril bago isagupa sa mananalo kina Horn at Terence Crawford sa Nobyembre.

Philstar
Facebook
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with