^

PSN Palaro

Lady Chiefs nagpakilala agad

Pilipino Star Ngayon
Lady Chiefs nagpakilala agad

Isinagawa nina Joey Romasanta (ika-6 sa kaliwa), President ng Larong Volleyball ng Pilipinas Inc. (LVPI) ang ceremonial service kasama ang NCAA Mancom officials sa opening ceremony ng NCAA Season 93 women’s volleyball.

Laro Ngayon (The Arena)

8 a.m. CSB vs CSJL (Jrs)

9:30 a.m. CSB vs CSJL (M)

11 a.m. CSB vs CSJL (W)

12:30 p.m. JRU vs SBC (W)

2 p.m.- JRU vs SBC (M)

MANILA, Philippines — Mainit na sinimulan ng nagdedepensang Arellano University ang kampanya nito nang mabilis na dispatsahin ang Mapua University, 25-10, 25-17, 25-13 sa pagsisimula ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 93 women’s volleyball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Nanguna sa ratsada ng Lady Chiefs si open hitter Regine Arocha na kumana ng 12 puntos habang nagdagdag naman sina middle blocker Andrea Marzan ng siyam, team captain Mary Anne Esguerra ng walo at Jovielyn Prado ng pito.

Nagparamdam din si playmaker Sarah Verutiao na gumawa ng 28 excellent sets para tulungan ang Lady Chiefs na makalikom ng 46 puntos sa attack line.

“Ginawa lang namin yung itinuturo ni coach Obet (Javier) sa amin sa training. Nagtulung-tulong lang kami sa loob ng court para ipa­kita na kami ang defending champions. Gusto talaga naming ma-defend yung title namin,” ani Verutiao na isa sa anim na rookies sa lineup ng Lady Chiefs.

Nakakuha rin ang Arellano ng walong aces, tatlong blocks at 19 libreng puntos mula sa errors ng Mapua.

Makakasama ng Lady Chiefs ang San Sebastian College-Recoletos sa unahan ng standing tangan ang 1-0 rekord.

Nauna nang nagtala ng 25-16, 25-19, 25-16 panalo ang Lady Stags laban sa Emilio Aguinaldo College.

Aminado si San Sebastian coach Roger Gorayeb na mahihirapan ang kanyang bataan sa season na ito dahil sa pagkawala ng ilang manlalaro kabilang na si Julie Ann Tiangco na nagtamo ng injury sa tuhod bago pa man magsimula ang season.

“We expect a tough season because we lost a lot of players. We would be happy to just survive and maybe finish in the Final Four,” sambit ni Gorayeb.

Kaya naman kitang-kita ang determinasyon kina Joyce Sta. Rita, Dangie Encarnacion, Nikka Dalisay at Daurene Santos na pare-parehong kumana ng 13 puntos habang nagdagdag si Dannah Amponin ng anim na puntos.

Nakatulong si libero Alyssa Eroa na may 16 digs at limang receptions samantalang gumawa si setter Vira Guillema ng 28 impressive sets.

“In the past seasons, the players were relying too much on (three-time NCAA MVP) Grethcel Soltones. I hope it works the other way around this year for us and the players start working and playing hard themselves,” dagdag ni Gorayeb.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with