Louie Gonzales

Gonzales bilang DLSU coach?
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - January 2, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Maugong ang pangalan ni assistant coach Louie Gonzales na posibleng pumalit bilang head coach ng De La Salle University.

Ayon sa sources, nag­pulong na ang ilang matataas na opisyal at tagasuporta ng La Salle kabilang si businessman Danding Cojuangco upang insentro ang atensiyon sa mga susunod na hakbang.

Partikular na napag-u­sapan ang pagpili ng bagong mentor ng Green Archers para sa pre-season tournaments na lalahukan nito at sa paghahanda para sa UAAP Season 81 men’s basketball tournament.

Inaasahan umanong iaangat bilang head coach si Gonzales upang punan ang nabakanteng puwesto ni Aldin Ayo na napaulat na lumipat sa University of Santo Tomas.

Makakasama ni Gonzales sa coaching staff sina Glen Capacio at Siot Tanquincen.

Hindi na bago si Gonzales sa pagmamando ng isang koponan.

Naging bahagi na rin ito ng ilang champion teams sa NCAA at UAAP.

Kasama ni Ayo si Gonzales nang magkampeon ang Letran noong 2015 sa NCAA habang muling nagkasama ang dalawa sa paghatak sa La Salle sa kampeonato noong 2016 sa UAAP.

Sa tuwing wala si Ayo, si Gonzales ang nagsisilbing mentor ng tropa.

Sa UAAP, ilang beses na humarap si Gonzales sa media interview bilang kinatawan ni Ayo.

Gayunpaman, wala pang pormal na anunsiyo ang La Salle sa paglisan ni Ayo hanggang sa mga oras na ito.

Ayaw pa rin maglabas ng statement ang UST sa paglipat ni Ayo.

Kaya naman marami na ang nakaabang sa tunay na estado ng La Salle gayundin ng UST. 

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with