^

PSN Palaro

Isa na lang sa Petron

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
 Isa na lang sa Petron

Hinatawan ni Maria Jose Gonzales Perez ng F2 Logistic sina Mary Joy Palma at Lindsay Stalzer ng Petron. Joey Mendoza
 

Foton inangkin ang Bronze

MANILA, Philippines — Ang inaasahang mainit na laban, naging three-set na panalo lamang ng Petron Blaze laban sa top seed F2 Logistics, 25-14, 25-21, 25-16 kahapon para pangunahan best-of-three championship series, 1-0  sa 2017 Chooks to Go-Philippine Superliga Grand Prix sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Hindi na nag-aksaya pa ng oras ang Blaze Spikers sa pamamagitan ng matikas na laro na ipinakita ng mga Amerikanong imports na sina Lindsay Stalzer at Hillary Hurley at sa suporta nina Mika Reyes, Frances Molina at Aiza Pontillas, magaang na sinakmal ng tropa ni coach Shaq De Los Santos ang unang set, 25-14 sa loob ng 22 minuto  lamang.

“We prepared a lot, but I was not expecting to win in three sets,” ayon kay Petron coach De Los Santos.

Mula rito, tuluy-tuloy ang mabigat na atake at mahigpit na depensa ng Petron tungo sa 25-21 panalo sa ikalawang set na natapos sa 29 minuto.

Lumamang pa ng mahigit walong puntos, 22-14  ang Blaze Spikers sa hataw ni Stalzer  para tulu­yang  ipadama ang kanilang dominasyon sa Game 1 na ikinagulat ng mga fans ng Cargo Movers.

Umiskor ang MVP no­ong nakaraang taon na si Stalzer ng 20 puntos kabilang na ang 15 atake, tatlong blocks at dalawang aces para sa Blaze Spikers.

“We know we are capable. We just came very prepared, we are so focused and we minimized our errors and we have more communications. For next game, we have to prepare more as we expect them to come back strong,” sabi ni Stalzer.

Samantala, nakopo ng  Foton Tornadoes  ang bronze medal makaraang igupo ang Cocolife Asset Managers, 25-17, 25-16, 25-17 sa unang laro.

Pinangunahan ni 6’6 Jaja Santiago ang panalo ng Tornadoes sa kanyang 17 puntos kabilang na ang 10 atake, apat na blocks at tatlong aces para makabawi man lang sa tinamong kabiguan sa Petron Blaze, 28-30, 25-21, 23-25, 21-25 sa semis noong Sa­bado.

Bigo man ang Tornadoes na masungkit ang ikatlong sunod na Grand Prix crown, sinabi ni Santiago na masaya pa rin sila sa kanilang third place finish sa season-ending confe­rence.

“Siyempre, naghina­yang kami na hindi puma­sok sa finals. Pero, sabi namin pagbutihan natin itong huling laro para makuha ang bronze. So, ngayon happy pa rin ka­mi,” ani Santiago.

Dahil sa kagustuhang makabawi, ibinuhos pa rin nina Santiago at imports na sina Sara Klisura ng Serbia at Dragana Perunicic ng Montenegro ang kanilang lakas para sa magaang na panalo sa unang set, 25-17  na natapos sa 23 minuto.

Sinikap ng mga  Amerikanong imports na sina Taylor Milton at Tai Manu-Olevao at mga beteranong sina Tina Salak, Dindin Lazaro at Michelle Gumabao na makabawi sa ikatlong set, ngunit hindi nila napigilan ang pagratsada nina Santiago, Klisura, Perunicic at Maike Ortiz tungo sa panalo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with