Triple-header sa NCRAA cagefest

 Laro Ngayon (TIP Gym, Manila)

10 a.m. New Era vs  TIP

12 nn Olivarez College vs  PSBA-QC

2 p.m. De Ocampo vs  Saint Francis

MANILA, Philippines — Magtatagpo ang New Era University at Technology Institute of the Philippines habang maghaharap naman ang Olivarez College kontra sa Philippine School of Business Administration-Quezon City ngayon sa pagpapatuloy ng 2017 Sta. Lucia Land-NCRAA men’s basketball tournament sa TIP Gym sa Maynila.

Haharapin ng New Era ang host TIP Engineers sa alas-10 ng umaga habang magtatagpo ang Olivarez College-Parañaque at PSBA-QC sa alas-12 ng tanghali at maglalaban sa huling laro ang De Ocampo College at St. Francis Assisi sa alas-2 ng hapon.

Nanatiling malakas pa rin ang tiwala ng De O­campo  Cobras matapos  walisin ang kanilang pitong  laro sa elimination round bago natalo sa Colegio de San Lorenzo Doves sa finals noong nakaraang taon.

Show comments