Tornadoes iiwas mapahiya sa Lifesavers

Laro Ngayon  (University of St. La Salle Gym, Bacolod City)

 2 p.m. Generika-Ayala  vs  Foton

4 p.m. Cocolife   vs  Cignal HD

6 pm F2 Logistics vs Petron  

MANILA, Philippines — Ang giyera sa volleyball, ay lilipat muna sa Bacolod City sa pagdaraos ng tatlong laro sa 2017 Chooks to Go-Philippine Superliga (PSL) Grand Prix sa University of St. La Salle gymnasium.

Itataya ng nagdedepensang Foton Tornadoes ang kanilang malinis na 2-0 win-loss kartada laban sa Generika-Ayala Lifesavers sa alas-2 ng hapon habang hangad ng Cocolife Asset Managers ang unang pa­nalo sa kanilang pagtatagpo kontra sa Cignal HD sa alas-4 ng hapon.

Sa ikatlong laro, sisi­mulan din ng F2 Logistics Cargo Movers ang kanilang kampanya laban sa na­ngungunang Petron Blaze Spikers sa alas-6 ng gabi.

Inaasahang dadagsa ang maraming fans dahil ito pa lang ang unang ma­laking torneo ng volleyball na magaganap sa lugar na ito matapos ang Southeast Asian Games noong 2005.

Matatandaang  kasama  ang mga star players ng PSL na sina Tina Salak at Mary Jean Balse na ngayon ay naglalaro sa Cocolife sa nasabing SEAG kung saan umani ang national team ng bronze medal at ‘yun na rin ang huling medalya ng bansa sa volleyball event sa bennieal Games.

Marami ring manlalaro na taga-Bacolod ang inaasahang magpapakitang gilas ngayon kabilang na sina Bernadeth Pons at April Ross Hingpit ng Petron, Fritz Gallenero ng F2 Logistics, Dancel Dusaran ng Cocolife at assistant coach Michelle Laborte ng Cignal.

Ang ibang Iloggo pla­yers na taga-Iloilo rin kagaya nina Gen Casugod at Patty Jane Orendain ng Generika-Ayala, Jovelyn Gonzaga ng Cignal at Aisa Maizo-Pontillas ay sigurado ring magpasiklab sa kanilang mga kababayan.

Show comments