^

PSN Palaro

Posibleng fight of the year

PRESSROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Canelo Alvarez vs Gennady Golovkin ngayong tang­hali sa Las Vegas.

Eto ang boxing. Hindi ito circus gaya ng pinanood ng milyon nung isang buwan.

Malamang na Fight of the Year ang ending nito. Sino man ang manalo, knockout man o desicion.

Kung boxing fan ka, ito ang dapat mong panoorin.

Dalawa sa pinakamagagaling na boxers sa buong mundo ang maghaharap sa MGM Grand ngayong tanghali.

Si Canelo ay mas bata. Sa edad na 27, may ring record siya na 49-1-1 at may 34 knockouts.

Si Golovkin naman 35 na pero undefeated sa 37 na laban at may 33 knockouts. Siya ang middleweight champion ng WBC, WBA at IBF.

Sa kartada pa lang ng dalawa, tiyak na uusok ang ring.

Matagal hinintay ang laban at matagal naikasa. Sabi ng iba, umiwas si Canelo, isang Mexican na bata ni Oscar dela Hoya, kay Golovkin na tubong Kazakhstan at kilala bilang Triple G o GGG.

Pero maliit ang mundo. Kaya eto at maghaharap na sila,

Parehong killer sa loob ng ring, Malalapad at mabibigat ang kamay. Middleweight sa 160 pounds.

Noon ay tinukso pa si Manny Pacquiao na labanan ang sinuman sa dalawa.

Pero hindi kaya.

“Masyadong malalaki,” sabi ni Pacquiao.

Manonood na lang si Pacquiao.

Ito ang tunay na boxing.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with