Gilas cadets hindi babalewalain ang kakayahan ng Malaysia sa men’s basketball

 KUALA LUMPUR – Ang ikatlong sunod na rat­sada ang pakay ng Gilas Pi­lipinas cadets sa pagsa­gupa sa host Malaysia sa men’s basketball event ng 29th Southeast Asian Games ngayon dito sa MA­BA Stadium.

Magsasagupa ang Gilas cadets at Malaysians sa alas-6 ng gabi kasunod ang pagharap ng Perlas Pilipinas laban sa Thailand sa alas-8:15 ng gabi.

Tinalo ng Gilas cadets ni coach Jong Uichico ang Thailand, 81-74, at ang Myanmar, 129-34.

“We saw during our game against Thailand that this tournament is no longer the same as before,” wi­ka ni Uichico, tinanggap sa koponan si Carl Bryan Cruz. “We have to do some adjustments if we want to win convincingly over the Malaysians.”

Show comments