Pinay spikers yukod sa Thailand

Buong-lakas na hinatawan ni Jaja Santiago ng Philippine wo­men’s team ang depensa ng Thailand. (Kuha ni Joey Mendoza)

MANILA, Philippines -  Bigo na naman ang Phi­lip­pine national women’s team laban sa five-time SEA Games champion na Thailand, 21-25, 14-25, 20-25, sa quarterfinal round ng 19th AVC Asian Senior’s Wo­men’s Championship ka­gabi sa Biñan City, Lagu­na.

Sa kanilang ikatlong pa­nalo sa apat na laro ay na­sungkit ng Thailand ang hu­ling semifinal slot at haha­rap sa South Korea sa Round of Four.

Sa ibang semis match, mag­tatagpo naman ang nag­dedepensang China laban sa Japan.

Ang mga Pinay spikers ay nahulog sa classification kung saan haharapin nila ang Chinese-Taipei para sa agawan sa 5th hanggang 8th place.

Tinalo ng China ang Ka­­zakhstan, 25-16, 34-32, 25-23, para sa unang semifinal slot at nagwagi naman ang South Korea laban sa Chinese-Taipei, 25-20, 25-11, 28-26.

Show comments