Bedans mamimili sa 3 import kung sino ang gagamitin

MANILA, Philippines -  Hindi pa tiyak ng nag-depensang San Beda College Red Lions kung sino sa kanilang tatlong malalaking imports ang maglalaro sa darating na 93rd season ng NCAA seniors basketball tournament na magbubukas na ngayong Sabado sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ayon kay Red Lions team manager Jude Ro­que na dedesisyunan pa lang ng coaching staff kung sino kina Cameroonians Donald Tankoua, French Arnaud Noah at  Nigerian Toba Eugene ang kanilang gagamitin sa kampanya sa NCAA.

“Donald (Tankoua) will play minimal minutes in the first round because he’s not yet 100 percent,” sabi ni Roque sa lingguhang PSA Forum sa Golden Phoeniz Hotel ng Pasay City kahapon.

“The truth is, we will decide tonight (yesterday) the earliest because there are players who still have yet to submit their complete grades and it includes our imports,” ani pa ni Roque.

Ayon pa kay Roque malaki ang kanilang tsansa sa taong ito sa dahilang isa lamang sa manlalaro ng Bedans na nagkampeon sa nakaraang taon ang mawawala.

Ang Red Lions ay umarangkada ng 11-game title sweep sa katatapos lamang na Filoil Premier Cup kung saan tinalo nila ang UAAP champion De La Salle Green Archers, 75-72 sa  Finals.

Tinutukoy ni Roque sina 6’5 Eugene, 6’5  Tankoua, 6’8 Kenmark Carino, 6’5 Ben Adamos, 6’5 Calvin Oftana, 6’5 Antonio Bonsubre at  6’5 William Navarro.

Show comments